"Nice memories have their own scent. Whenever you are veiled in its scent...your heart can always return to that unforgettable past...together with your own scenery that will never fade away." - Kyoichi Kanzaki

Saturday, November 10, 2007

Pwede Both?

Nakakatawa at nakakatuwa ang ginawa ng National Press Club ukol sa "mural" na kanilang inpinagawa sa isang grupo ng mga artists. Sa bisperas ng kanilang paglalahad sa sinabing mural, ipinabago nila ang mga nakaguhit dito. Kung tama ang pagkakaalala ko sa balita, binago nila ang sandatang hawak ni Bonifacio, ang mukha ni Ginang Burgos ay binago at napag-isipan pang alisin ang mukha ni Ninoy Aquino sa nasabing mural.

Kawalan ng respeto sa mga artists ang ginawa ng NPC dahil iyon ang buhay ng mga artists, ang kanilang mga kuro-kuro at paraan ng pagpapahiwatig ng isang kamalayan sa mga tao. Kung susundin natin ang yapak ng NPC, dapat na rin nating suotan ng shorts ang Oblation icon sa UP Diliman. Dapat na rin sigurong baguhin ang iba pang likha ng mga artists tulad ng Spolarium ni Luna. Maliban sa respeto sa mga artists, kahiya-hiya din ang ginawang pag-censor ng NPC sa sarili nilang mural na kung tutuusin ay ginawa upang maipahiwatig ang kahalagahan ng malayang pagpapahayag na kanilang ipinaglalaban.

Hindi kaya inabutan din ang mga namamahala ng NPC ng tig-500,000 pesos mula sa Malacanang? 'di kaya'y sadyang kawalang-muwang lamang? o baka naman pwedeng both?

0 comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...